Malayo Ka Man Lyrics – Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy
Malayo Ka Man Lyrics
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Mahal, kamusta ka na?
Mag-iingat ka palagi, ‘wag kang mag-alala
‘Di man kita makasama ngayon pero hindi ‘yun rason
Para ako ay maghanap pa ng iba
Sapagkat ako’y kuntento na, sa’yong-sa’yo lang ako
Ikaw ang kumumpleto sa mundo ko at bumuo
Kaya wala ng dahilan para ako’y magloko pa
Sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya
Magtiwala ka lang, lagi mong tatandaan
Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang
Kahit malayo ka man, makakaasang
Hanggang dulo, ‘di ka papalitan
Kaya mahal, magtiwala ka lang
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sayo lang kahit
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo
Baka upang pagtibayin nang hindi na mabigo
Hawak-kamay na kinapitan ang pangakong binuo
Na kailanma’y ‘di papatinag sa tuksong mapangbuyo
Mapaglaro si Bathala, susubukin ang tatag
Makasiguro lang na tayong dalawa ay tinadhana
Kakayanin ang lahat, mapatunayan lang
Pagmamahal ko lagi sa ‘yo ay tapat
Malayo man ating pagitan sa ngayon, ‘wag umiyak
Sapagkat magkakayakap pang muli, ‘yan ang tiyak
Palagi kang inaalala sa’n man dalhin ng yapak
Ng aking mga paa, mananatili ang galak
Ang galak na muli kang mahagkan at halikan
Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan
Sa aking pagbabalik, sabay nating dudugtungan
Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Mga araw at gabi na hindi kita katabi
Nakakapanibago, ‘di alam kung pa’no
Pa’no ko makakayanan na hindi kita kasama
Ang distansiya natin ay napakalayo
Pa’no ‘ko makakadayo?
Kung pagitan natin, libo-libo na espasyo
Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo
Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo
Pero kahit na gano’n pa man
Pakatandaan palagi na andito lang ako
Sa’yo, nag-aantay, nakaabang
Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan
Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo
Tiwala at lubos ko na pagmamahal
Libo mang kilometro agwat sa isa’t-isa
Sa aking puso ay mananatili pa ring espesyal
Malayo ka man, mahal, lagi mo tandaan
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Kahit malayo ka man, ‘di magbabago
Sa’yong-sa’yo lang ang pag-ibig ko, ‘di maglalaho
Kaya ‘wag kang mangamba at ‘wag kang mag-alala
‘Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa
Maghihintay ako na muling makasama ka
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
‘Di ‘yun makakahadlang kahit
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan
‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang
Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa
‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Baca Juga : Lirik Lagu You Memang Sangat Cute – Van Kelvin
Di blog ini, kami hanya memaparkan lirik lagu. Anda juga boleh membuat carian ataupun pembelian di media streaming online seperti Google Play Music, Apple Music dan iTunes, Amazon, Qobuz, Joox, Langit Musik, Spotify, Deezer, KKBOX, Youtube dan lainnya. adalah seperti berikut:
Blog lirik lagu ini tidak menyediakan sebarang link untuk download lagu mp3 * dari * samada dalam format mp3 atau sebarang format audio yang lain. Untuk pembelian lagu sila beli melalui laman media streaming yang sah, atau pun apa-apa saluran lain yang dibenarkan oleh undang-undang dan mengikut saluran yang betul. Paparan lirik lagu * didalam website ini adalah untuk tatapan umum dan setiap lirik lagu adalah hak milik sepenuhnya empunya pencipta lirik / syarikat rakaman. Sumber rujukan lirik