Malayo Ka Man Lyrics – Jr Crown, Kath, Cyclone & Young Weezy
Malayo Ka Man Lyrics
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa ‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Mahal, kamusta ka na? Mag-iingat ka palagi, ‘wag kang mag-alala ‘Di man kita makasama ngayon pero hindi ‘yun rason Para ako ay maghanap pa ng iba Sapagkat ako’y kuntento na, sa’yong-sa’yo lang ako Ikaw ang kumumpleto sa mundo ko at bumuo Kaya wala ng dahilan para ako’y magloko pa Sa babaeng na naging kabiyak na ng buhay ko kaya
Magtiwala ka lang, lagi mong tatandaan Walang pagitan ang maari sa ating makahadlang Kahit malayo ka man, makakaasang Hanggang dulo, ‘di ka papalitan
Kaya mahal, magtiwala ka lang ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sayo lang kahit
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa ‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Dalawang puso ang pinana subalit pinaglayo Baka upang pagtibayin nang hindi na mabigo Hawak-kamay na kinapitan ang pangakong binuo Na kailanma’y ‘di papatinag sa tuksong mapangbuyo Mapaglaro si Bathala, susubukin ang tatag Makasiguro lang na tayong dalawa ay tinadhana Kakayanin ang lahat, mapatunayan lang Pagmamahal ko lagi sa ‘yo ay tapat
Malayo man ating pagitan sa ngayon, ‘wag umiyak Sapagkat magkakayakap pang muli, ‘yan ang tiyak Palagi kang inaalala sa’n man dalhin ng yapak Ng aking mga paa, mananatili ang galak Ang galak na muli kang mahagkan at halikan Magkasamang susulitin ang kabilugan ng buwan Sa aking pagbabalik, sabay nating dudugtungan Ang ating kuwento ng pag-ibig na ating sinimulan
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa ‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Mga araw at gabi na hindi kita katabi Nakakapanibago, ‘di alam kung pa’no Pa’no ko makakayanan na hindi kita kasama Ang distansiya natin ay napakalayo Pa’no ‘ko makakadayo? Kung pagitan natin, libo-libo na espasyo Matagal pa nga siguro na luminaw ang malabo Na ikaw ay makasama kahit nasa kabila ka mang ibayo
Pero kahit na gano’n pa man Pakatandaan palagi na andito lang ako Sa’yo, nag-aantay, nakaabang Sa muli mong pagbalik kahit malayo man ating pagitan Ang bukod tangi kong ipapabaon sa iyo Tiwala at lubos ko na pagmamahal Libo mang kilometro agwat sa isa’t-isa Sa aking puso ay mananatili pa ring espesyal
Malayo ka man, mahal, lagi mo tandaan ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa ‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Kahit malayo ka man, ‘di magbabago Sa’yong-sa’yo lang ang pag-ibig ko, ‘di maglalaho Kaya ‘wag kang mangamba at ‘wag kang mag-alala ‘Di ko babaliin ang sumpaan nating dalawa Maghihintay ako na muling makasama ka
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa ‘Di ‘yun makakahadlang kahit
Malayo ka man, mahal, lagi mong tandaan ‘Di magbabago, pag-ibig ko’y sa ‘yo lamang Magtiwala ka lang, tawid-dagat man ang pagitan nating dalawa ‘Di ‘yun makakahadlang kahit malayo ka man
Baca Juga : Lirik Lagu You Memang Sangat Cute – Van Kelvin
Di blog ini, kami hanya memaparkan lirik lagu. Anda juga boleh membuat carian ataupun pembelian di media streaming online seperti Google Play Music, Apple Music dan iTunes, Amazon, Qobuz, Joox, Langit Musik, Spotify, Deezer, KKBOX, Youtube dan lainnya. adalah seperti berikut:
Blog lirik lagu ini tidak menyediakan sebarang link untuk download lagu mp3 * dari * samada dalam format mp3 atau sebarang format audio yang lain. Untuk pembelian lagu sila beli melalui laman media streaming yang sah, atau pun apa-apa saluran lain yang dibenarkan oleh undang-undang dan mengikut saluran yang betul. Paparan lirik lagu * didalam website ini adalah untuk tatapan umum dan setiap lirik lagu adalah hak milik sepenuhnya empunya pencipta lirik / syarikat rakaman. Sumber rujukan lirik